Limang taon na ang nakaraan noong tumayo ako at tinanggap ang Diyos ng buhay ko. Limang taon na ang nakakaraan noong nagsimula yung paglalakbay ko kasama Siya at ang komunidad na kung saan ay kabilang ako.
Noong Biyernes (May 18, 2012) nabigyan ako ng pagkakataon na makatulong sa ibang chapter para sa camp nila. Sobrang galing lang ng pagkakataon at ng Diyos, kung hindi dahil sa camp na yon, hindi siguro ganito kalakas yung apoy na nararamdaman ng puso ko. Nagkaroon ako ng pagkakataon marinig yung mga talks na halos makalimutan ko na, nagkaron ako ng pagkakataon makita yung pag-step-up ng members nila, na naka-inspire sa akin magspeak-up at nakapagreflect ako ng matindi.
Ang amazing lang nung 3 araw, kasi bigla lang bumuhos yung realizations ko. Bigla kong naisip kung ano ba talaga purpose ng pagiging YFC ko, kung gaano na ba kalakas yung relasyon ko sa Kanya. Sobrang lumakas lang talaga ako dahil sa Diyos, kung hindi dahil sa galing Niya siguro wala ako sa kinakatayuan ko ngayon. Kaya, SALAMAT PO. SOBRANG SALAMAT.
Ang dami ko lang naiyak at naitawa sa weekend na ito. Nainspire lang ako ng Pinyahan chapter sa lakas nila sa Panginoon. Hindi ko makakalimutan yung worship na nabigay ko lahat ng boses ko. Hindi ko makakalimutan yung saya na naibahagi sa akin ng mga tao na kasama ko. Hindi ko maitatanggi na ang lupit-lupit lang ng experience ko.
Salamat po sa pagkakataon at sa oras nabinigay mo sa akin para makatulong sa kanila. Hanggang sa huli, hindi Niyo kami pinabayaan. Sobrang sarap Mo magmahal! :>
Lord, siya nga pala. HANDA AKO SA IMBITASYON MO. :)
Nakakatawang isipin na hindi natin sinasadyang magawa ang mga bagay na ayaw mo mismong ginagawa sa atin. Mga bagay na kinaiinisan mo pero mismong ikaw hindi mo alam nagagawa mo na pala.
Yung magpapakababa ka para matanggap mo na nagbabago ang isang tao. Mahirap na masaya, pero alam mong mas magiging maayos pagkatapos.
May mga bagay na hindi natin kailangangang i-explain kasi YON na YON e.
#random
(Source: -ghost, via thepublicdiary)
(Source: inspirationsforlife, via thepublicdiary)
She feels grateful of what she has right now. She feels fine on how things move around her.
Yung sandaling napagtanto mo kung ano ba talaga ang rason kung bakit mo gagawin ang isang bagay. Yung hindi mo alam sasagot mo kasi parang may kulang. Basta ang alam ko lang, hinanda niya ako at alam niyang kaya ko na. SANA KAYA KO NA TALAGA.
Habang sinasagutan ko lang yung limang tanong bago ako pumirma ng kontrata, isa lang pumasok sa isip ko. Kaya ko na ba talaga? Eto na talaga yon. Hahawak na ko ng sarili kong klase, sasayaw ako araw-araw, kakanta ako kahit wala sa tono, aalagaan ko sila na para kong mga munting kapatid, ito na yon. GANAP NA GANAP NA! SALAMAT PO!
Ang sarap lang sa pakiramdam na umupo sa mababang upuan habang nakatitig sa pisara na bagong pintura. Biglang kong naipinta lahat ng posibleng mangyari sa silid aralan na kulay pink. Ang sayang isipin na binigay na ng Panginoon yung matagal ko ng hinihiling. :)
(via tigerlilywho)
Some Less Acknowledged Acts of Bravery:
- Waiting.
- Saying no.
- Being still.
- Surrender.
- Taking the long road.
- Not taking credit.
- Letting go.
- Letting it slide.
- Admitting when you’re wrong.
- Keeping quiet.
- Extending grace to the people who annoy you.
- Forgiving.
- Holding back.
- Saying the hard stuff.
- Losing.
everyday-isa.com
"It’s going to happen – not in the middle of an emotional rush – but in the midst of the quiet calm of someone whose learned to master the cards she’s been dealt with."
everyday-isa.com
Ang pagbabago, tinatanggap hindi niluluwa. Ang pagbabago, pinipili nating gawin hindi para sa ibang tao kung hindi para sa sarili natin. Ang pagbabago, pinaninindigan. :)
